Create Yours

Top 40 Bob Ong Quotes (2025 Update)

Bob Ong Quote: “Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
Bob Ong Quote: “Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.”
Bob Ong Quote: “Walang pakealam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.”
Bob Ong Quote: “Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”
Bob Ong Quote: “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
Bob Ong Quote: “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
Bob Ong Quote: “Pilipino ako, sapat nang dahilan ’yon para mahalin ko ang Pilipinas.”
Bob Ong Quote: “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”
Bob Ong Quote: “Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”
Bob Ong Quote: “Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa ’ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.”
Bob Ong Quote: “Yon ang mali sa tinatawag na ‘cool factor.’ Para maging ‘in’ ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
Bob Ong Quote: “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
Bob Ong Quote: “Di naman iiyak ang mundo sa isang tao lang...”
Bob Ong Quote: “Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.”
Bob Ong Quote: “Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang ’yan ng tao!”
Bob Ong Quote: “Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”
Bob Ong Quote: “Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.”
Bob Ong Quote: “Nilagyan lang ng konting moral lesson ang pelikula para hindi maging ganap na basura.”
Bob Ong Quote: “Walang imposible sa taong naniniwala.”
Bob Ong Quote: “At least pag nakapag-aral ka, may pag-asa ka pang magkaroon ng magandang kinabukasan at makatulong sa iba.”
Bob Ong Quote: “Hindi mo ba alam na mas marami tayong kaibigan na hindi nakikita kumpara sa nakikita?”
Bob Ong Quote: “Bilang guro, hindi ka dapat manguna sa mga naniniwalang hindi lahat ng tao ay may kapasidad matuto. Sumasalamin lang ito sa kapasidad mong magturo.”
Bob Ong Quote: “Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao.”
Bob Ong Quote: “Ayon kay Georges Simenon, ang dahilan daw ng pagsusulat n’ya ay “to exorcise the demon in me.” Totoo yon para sa karamihan ng mga manunulat. Ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. Ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.”
Bob Ong Quote: “Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo... Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig... Lalong ’di mo kontrolado kung kelan siya bababa.”
Bob Ong Quote: “Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.”
Bob Ong Quote: “Wala akong isinisisi sa magulang ko. Naging ako ako dahil sa mga desisyon ko sa buhay.”
Bob Ong Quote: “Lahat ng mga salitang yan may dating sa’yo. Sabi kasi ng isip mo.”
Bob Ong Quote: “Sino nga ba ang learning disabled, ‘yung mga hirap mag-aral o ’yun mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter at Harvard-graduate na corrupt government official bukod sa mas mayaman ’yung pangalawa?”
Bob Ong Quote: “Paano kaya kung naging guro mo rin ang naging guro ng labindalawang disipulo sa Bible?”
Bob Ong Quote: “Maraming bagay ang mahal kapag wala kang pera.”
Bob Ong Quote: “Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.”
Bob Ong Quote: “Bakit mo sinasagot ng tanong ang tanong ko?”
Bob Ong Quote: “Naghahanap ang mga tao ng iba na magliligtas sa kanila. Dahil hindi sila yung ‘iba’ na yon, wala silang ginagawa. Walang nagbabago. Walang may gustong magbago. Naghihintay lang ang lahat sa ‘iba’, yung hindi nila katulad.”
Bob Ong Quote: “Hindi ka maaaring hindi magmahal kahit pa mapasa iyo lahat. Maaari kang maging pinakamayamang tao sa mundo, pinakamatalino, pinakamakapangyarihan, at walang pangarap na hindi kayang kunin o abutin pero kung hindi ka marunong magmahal, sino ka?”
Bob Ong Quote: “Nakayanan n’yang bumangon, hindi ko pagdududahan ang kakayahan n’yang lumipad.”
Bob Ong Quote: “Akala ko noon pinakamalaking problema ko na ang naging problema ko sa eskuwela. Malayo pala sa katotohanan. Pero maaga akong tinuruan nito na maging matibay, at natuto agad akong pumili ng kakapitan. Napakahalaga noon dahil doon nakasalalay kung magpapadurog ka sa tadhana o magpapahulma nang matibay.”
Bob Ong Quote: “Nais kong magtaguyod ng pamilyang alam ang pagkakaiba ng sapat at sobra, at kung alin ang para sa amin at alin ang nararapat nang ibahagi sa iba.”
Bob Ong Quote: “Hindi ko alam kung bakit ka namin kailangan? – sa parehong paraan na hindi rin alam ng halaman kung bakit kailangan niya ng lupa.”
Bob Ong Quote: “Tungkulin mong tumulong sa kapwa dahil may kakayahan ka at gusto mong tumulong pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo matutulungan ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka hindi ikaw ang magiging huli hindi ka solusyon. Pero hindi yun ang dahilan para mawalan ka ng pag-asa at tumigil na magbigay nito. Mang Ernesto: Kapitan Sino by Bob Ong.”
Bob Ong Quote: “Hindi ako nagagalit, nasasaktan, o nalulungkot dahil sa nalinlang at nagamit ako. Lumuluha ako sapagkat nanlinlang at nanggamit ka. Tanggap ko na lagi akong masusugatan, binuo ang puso ko upang durugin; wala ng sugat na makasasakit pa sa akin. Ngunit umaasa akong may isang tao sa mundo na hindi mananakit, at naniwala akong ikaw ’yon. Doon ko lang nalaman na maaari rin pala tayong makasugat ng sarili, at humihiwa rin ng ng kaluluwa ang pag-asa.”
Bob Ong Quote: “Sino nga ba ang misteryoso: Ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad, at pangalan pero bukod doon e wala nang iba?”
Bob Ong Quote: “Hindi ko alam kung alin ang mas mahapdi: ang mawalan ng minamahal, o ang makilala s’ya nang lubos kung kailan huli na ang lahat.”
Bob Ong Quote: “Mas makatwiran ba ang panlalamang kung mas mahirap ang tao? Saan nanggagaling ang ganoong pagnanasang makapanloko ng kapwa?”
Bob Ong Quote: “Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.”
Bob Ong Quote: “Kawalan lang ito sa mga naghahanap ng makikita at mahahawakan. Ngunit para sa mga pamilyang nasa puso ang pagdiriwang – katulad ng pamilya ng Batang dahilan ng pagdiriwang – sapat nang kasiyahan ang pasasalamat at dasal.”
Bob Ong Quote: “Nalapa na ng komersyalismo ang sining. Kaya utot na lang nito ang nilalanghap natin ngayon.”
Bob Ong Quote: “Hindi ka niya lalapitan kung wala siyang kailangan at hindi ka niya lulubayan hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya.”
Bob Ong Quote: “Namangha rin kami sa illustration ng female reproductive system. Korteng sungay! At doon ang pabrika ng mga bata? Whoa! Information overload!”
Reading Quotes
Motivational Quotes
Inspirational Entrepreneurship Quotes
Positive Quotes
Albert Einstein Quotes
Startup Quotes
Steve Jobs Quotes
Success Quotes
Inspirational Quotes
Courage Quotes
Life Quotes
Focus Quotes

Beautiful Wallpapers and Images

We hope you enjoyed our collection of 40 Bob Ong Quotes.

All the images on this page were created with QuoteFancy Studio.

Use QuoteFancy Studio to create high-quality images for your desktop backgrounds, blog posts, presentations, social media, videos, posters, and more.

Learn more